ISIS recruitment sa Marawi City tuloy pa rin ayon sa AFP

Inquirer file photo

Nagpapatuloy ang recruitment ng mga nalalabing miyembro ng Maute Group malapit lamang sa Marawi city.

Kinumpirma ito ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo na ang nasabing hakbang ay maaaring magdulot na naman ng kagulugan sa lungsod.

Aniya, hindi tumitigil ang Isis-inspired group sa kanilang recruitment at nag-aalok pa ng ng malaking halaga kapalit ang pagsapi sa grupo.

Sa kabila nito, sinabi ni Arevalo na hindi naman tumitigil ang operasyon ng pwersa ng gobyerno para matigil ang ganitong aktibidad.

Base sa monitoring ng militar, target ng grupo ang mga kaanak ng kanilang miyembro at maging ang mga kabataan na lantad at madaling ma-engganyo sa maling idelohiya ng Maute.

Gumagamit din umano ng social media ang teroristang grupo para makakuha ng mga bagong miyembro.

October 23 nang ideklarang malaya na ang Marawi city sa mga Maute terrorist group.

Umaabot ng mahigit isang libong miyembro ng Maute ang napatay sa limang buwan digmaan kung saan nasa 300,000 residente din ang nawalan ng tirahan.

Read more...