“Youthquake” napiling word of the year

Ayon sa Oxford, nitong taon ay naging madalas ang pag-gamit ng salitang ito na ang kahulugan ay “a significant cultural, political, or social change arising from the actions or influence of young people.”

Unang narinig ang youthquake nang magkaroon ng general election sa Britanya noong Hunyo dahil sa pagdami ng mga botanteng kabataan.

Muli itong nauso sa halalan naman sa bansang New Zealand noong Setyembre.

Ang salitang “Youthquake” ay nabuo noong 1965 ng Vogue magazine editor na si Diana Vreeland bilang paglalarawan sa kultura ng mga kabataan at pagbabago ng estilo sa pananamit at musika.

Tinalo ng Youthquake ang ibang mga salita sa Oxford shortlist gaya ng “milkshake duck,” “white fragility,” at “broflake.”

Noong mga nakaraang taon, kinilala ng Oxford ang mga salitang “post-truth”(2016), “face with tears of joy” emoji (2015), “vape” (2014), “selfie” (2013), “omnishambles” sa Britain at “GIF” sa U.S. (2012) at”squeezed middle” (2011).

Read more...