3 pulis patay sa banggaan ng PNP Mobil car at trak

By Den Macaranas December 16, 2017 - 08:38 AM

Dead-on-the-spot ang tatlong pulis nang sumalpok ang kanilang sinasakyang patrol vehicle sa isang10-wheeler truck sa Iguig, Cagayan.

Sa report na nakaparating sa Camp Crame, kinilala ang mga namatay na sina P01 Benjie Pursen na siyang nagmamaneho ng sasakyan, ganun din ang kanyang mga kasamahan na sina P01 Basiad at P01 Galario na pawang mga nakatalaga sa Apayao Provincial Police Office.

Ginagamot naman sa ospital ang mga sugatan na sina P01 Venie Balangue, P01 Charlo Kiat-Ong at P01 Junrie Balong-Angay.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, kasalukuyang binabagtas ng PNP Vehicle ang madilim na bahagi ng national road sa bayan ng Iguig nang ito ay sumalpok sa kasalubong na 10-wheeler truck.

Napag-alaman na kinapos ang bilis ng sasakyan ng mga pulis makaraan silang hindi pagbigyan ng kanilang kasabay na kotse na tinangka nilang i-overtake.

Galing sa lungsod ng Tuguegarao ang mga biktima makaraan nilang samahan ang isang pulis para magpatingin sa ospital.

TAGS: iguig cagayan, PNP, Vehicular accident, iguig cagayan, PNP, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.