HOV lane scheme, ipinagpaliban na muna ng MMDA

Ipagpapaliban na muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng high-occupancy vehicle (HOV) lane scheme sa EDSA.

Nahihirapan kasi ang mga tauhan ng MMDA na nagbabantay sa Metrobase na matukoy kung nagka-carpooling nga ang mga sasakyan na pawang mga heavily tinted.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, ipagpapaliban nila ang pagpapatupad ng HOV lane hanggang sa katapusan ng taong ito habang pinag-uusapan pa nila kung paano sosolusyunan ang problema.

Maliban sa problema sa mga heavily tinted na sasakyan, batid din aniya nila na hindi pa masyadong maalam ang mga motorista tungkol sa polisiya.

Dahil dito, sinabi ni Pialago na ililista na lang muna nila ang mga lalabag sa HOV lane, at ipagpapaliban ang tuluyang pagpapatupad nito hanggang sa masolusyunan ang mga problema kaugnay nito.

Saka na lang aniya nila parurusahan ang mga susuway sa polisiyang ito kapag plantsado na ang polisiya.

Read more...