Lokasyon ng bagyong Urduja, hindi nabago; hindi halos kumikilos ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo December 15, 2017 - 06:08 PM

Nananatiling nasa quasi-stationary ang sitwasyon ng Tropical Storm Urduja at matindi pa rin ang banta nito sa Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, nasa 240 km East ng Borongan City, Eastern Samar pa rin ang bagyo.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kph at pagbugsong aabot sa 90 kph.

5 kilometers bawat oras lang ang kilos ng bagyo sa direksyong Northwest.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa:

  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Biliran

Signal number 1 naman ang nakataas sa:

  • Catanduanes
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Sorsogon
  • Romblon
  • Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Northern Cebu
  • Capiz
  • Aklan
  • Northern Iloilo
  • Dinagat Islands

Ang mga residente sa mga lugar na apektado ng bagyo ay pinapayuhang maging alerto sa pagbaha at landslides.

 

 

 

 

 

TAGS: Borongan City, eastern samar, Pagasa, Samar, Urduja, Borongan City, eastern samar, Pagasa, Samar, Urduja

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.