35 bagong motorsiklo gagamitin ng mga tauhan ng MPD kontra riding-in-tandem

12047815_905406229525936_1293487388_n
Kuha ni Ruel Perez

May pantapat na ang bike patrol ng Manila Police District (MPD) laban sa mga riding-in-tandem sa lungsod.

Tatlumpu’t limang units ng mga bagong motorsiklo ang tinanggap ng MPD na bahagi ng 200 units na donasyon ng Public Safety Savings and Loan Association, Inc., sa Philippine National Police (PNP).

Nabatid na aabot sa P26 milyon ang halaga ng nasabing mga donasyong motorsiklo.
Kabilang din sa ipinagkaloob sa mga tauhan ng MPD ang mga safety helmets at mga reflectorized na jackets.

Ang nasabing mga donasyon ay gagamitin ng mga police riders sa kanilang pagpapatrulya sa Maynila.

Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Rolando Nana, gagamitin ang mga motorsiklo para mas mapaigting pa ang police visibility patrol at panghabol sa mga kriminal na gumagamit din ng motorsiklo.

Read more...