LOOK: Apo ni Pangulong Duterte, sa Malakanyang nag-photo shoot para sa kaniyang debut

Sa Malakanyang ginawa ang pre-debut photo shoot ng presidential granddaughter na si Isabelle Duterte.

Si Isabelle ay anak ni Davao City Mayor Paolo Duterte at nakatakdang magdaos ng kaniyang ika-18 kaarawan.

Sa Instagram nag-post ng larawan ang stylists at make-up artists ni Isabelle at makikita na sa loob ng Malakanyang ginawa ang photo shoot noong December 14 araw ng Huwebes.

Isa sa mga larawan ang post ng stylist na si Jeff Galang, kung saan makikita si Isabelle na naka-kulay pulang gown.

Isa rin sa mga larawan ay ipinost ng make-up artist na si Frankie Bacierto kung saan makikita siya at si Isabelle na naka-pose sa harap ng presidential seal.

Ang international event planner naman na “Rita Neri Event Planners” ay nagpost din sa Instagram ng picture ni Isabelle nan aka-gown at nasa harapan ng presidential seal at katabi ang Watawat ng Pilipinas.

Si Isabelle ay anak ni Paolo Duterte sa dati nitong asawa na si Lovelie Sangkola Sumera.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...