Bagyong Urduja, halos hindi gumagalaw; patuloy na nagpapaulan sa Samar Provinces
Halos walang nabago sa lokasyon ng Tropical Storm Urduja mula umaga hanggang ngayong tanghali.
Hindi kasi ito halos kumikilos at mabagal na 5 kilometers bawat oras lang ang galaw nito sa direksyong Northwest.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namaan ang bagyo sa 240 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Dahil sa napakabagal na galaw, bukas ng umaga hanggang tanghali pa ang inaasahang tama nito sa kalupaan ng Northern Samar at Eastern Samar area.
Nananatiling nakataas ang public storm warning signal number 2 sa:
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Samar
- Biliran
Habang signal number 1 naman sa:
- Catanduanes
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Romblon
- Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands
- Leyte
- Southern Leyte
- Northern Cebu
- Capiz
- Aklan
- Northern Iloilo
- Dinagat Islands
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.