Putin at Trump, pinag-usapan sa telepono ang nuclear program ng NoKor

By Dona Dominguez-Cargullo December 15, 2017 - 10:49 AM

AP Photo

Nag-usap sa telepono sina Russian President Vladimir Putin at U.S. President Donald Trump para talakayin ang krisis sa nuclear program ng North Korea.

Kinumpirma ng pamahalaan ng Russia na pinag-usapan ng dalawang lider ang sitwasyon at kung paano mareresolbahan ang nuclear issue sa Korean peninsula.

Sinabi din ng White House na sa pag-uusap ay nagkasundong magtutulong sina Putin at Trump para masolusyonan ang tinawag nilang “very dangerous” na sitwasyon.

Sinamantala din ni Trump ang pagkakataon para pasalamatan si Putin sa pagkilala nito sa mas malakas na economic performance ng Estados Unidos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: donald trump, north korea, nuclear program, Russia, US, Vladimir Putin, donald trump, north korea, nuclear program, Russia, US, Vladimir Putin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.