Libu-libong pasahero, stranded dahil sa bagyong Urduja
Libu-libong pasahero ang stranded sa mga pantalan sa mga lugar na apektado ng Tropical Storm Urduja
Ayon sa Philippine Coast Guard, aabot sa nasa 7,500 na pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Western Visayas, Bicol at sa Manila North Harbor.
Pinakamaraming naitalang stranded sa Bicol Region na aabot sa 3,534 na mga pasahero. Karamihan dito ay stranded sa Matnog Port.
Aabot naman sa 2,756 na mga pasahero ang stranded sa Manila North Harbor; 910 sa mga pantalan sa Eastern Visayas at 280 ang mga pasahero na stranded sa mga pantalan sa Western Visayas.
Maliban sa mga pasahero, sinabi ng coast guard na mayroon ding stranded na 670 na barko, 37 rolling cargoes at 24 na motor banca sa nabanggit na mga rehiyon.
Patuloy ang paalala ng coast guard sa kanilang district units na tiyaking naipatutupad ang pagbabawal sa pagbiyahe ng mga sasakyan pandagat sa mga lugar na binabayo ng bagyong Urduja.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.