Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo December 15, 2017 - 08:58 AM

Dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan sa Eastern Visayas, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa rehiyon.

Sa abiso ng PAGASA, red rainfall warning ang itinaas sa mga lalawigan ng Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte at Southern Leyte.

Nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa lugar na maari silang makaranas ng “serious flooding” at landslides.

Habang sa iba pang lalawigan gaya ng Cebu, Bohol at Siquijor, itinaas naman ang yellow rainfall warning at inalerto ang mga residente sa posibleng pagbaha.

Samantala, maging ang Mindanao ay naapektuhan na rin ng mga pag-ulan na hatid ng bagyong Urduja.

Nagtaas ang PAGASA ng yellow rainfall warning sa mga sumusunod na lugar:

  • Misamis Oriental
  • Camiguin
  • Lanao del Norte
  • Surigao del Norte
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, San Agustin, Tagbina, Hinatuan)
  • Agusan del Norte
  • Agusandel Sur (Sibagat, Esperanza)
  • Davao Oriental (Boston, Cateel, Baganga)
  • Davao City
  • Davao Occidental (Malalag)
  • Misamis Occidental
  • Zamboanga del Norte
  • Zamboanga del Sur

Ang mga residente sa lahat ng lugar na apektado ng rainfall advisory ay pinapayuhang patuloy na magmonitor sa mga ilalabas na abiso ng weather bureau.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: heavy rainfall warning, Pagasa, red rainfall warning, yellow rainfall warning, heavy rainfall warning, Pagasa, red rainfall warning, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.