Mga bagong biling Armored Personnel Carrier o APC ng Phil. Army, idedeploy sa Mindanao

By Stanley Gajete September 22, 2015 - 07:11 AM

NEW APC
Inquirer Photo

Sa Mindanao idedeploy ng Philippine Army (PA) ang karamihan sa mga bagong biling M11 3A2 Armored Personnel Carrier o APC.

Ito ay bilang pangdepensa sa mga rebeldeng grupo na nasa naturang rehiyon.

Ayon kay Philippine Army Chief Lt. Gen. Eduardo Año, sa Eastern Mindanao Command at Western Mindanao Command ilalagay ang mga APC na may Remote Control Weapon System (RCWS).

Ang mga M113 APC ay gagamitin laban sa mga rebeldeng New People’s Army, BIFF, Abu Sayyaf Group, at iba pang tinaguriang threat groups na nasa Mindanao at Luzon. Ani Año, malaking tulong ang mga bagong kagamitan sa iba’t ibang combat operations dahil sa modernong istilo nito na kayang makadetect ng mga kalaban.

Nilinaw naman ni Año na walang anumang pinaghahandaang hostilities sa kahit sinong grupo.

Ipinagmalaki naman ng Mechanized Infantry Division ng Philippine Army ang mga bagong APC.

Ayon kay Maj. Gen. Mayoraldo dela Cruz, malakas at mabilis kapag ginamit ang ang M113 APC.

TAGS: NewAPC, NewAPC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.