Lalaki, arestado matapos magnakaw ng noche buena items sa isang grocery store sa Pasay City

Kuha ni Mark Makalalad

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos magnakaw mga noche buena items sa isang grocery store sa Pasay City.

Kabilang sa mga natangay ng suspek na si Manolito Manabat ang lata ng corned beef, palaman, bigas, tocino, 3 in 1 na kape, chocolate at gatas.

Ayon sa manger ng grocery store na si Jay, naka-monitor sya sa kanilang CCTV nang mapansin nyang isinilid ng suspek ang mga produkto sa kanyang bag.

Agad na pinahuli ng manager ang suspek at nang mahabol ito ay napaamin na ang suspek.

Paliwanag ng suspek, nagawa nya lang na magnakaw para may pampakain sya sa kanyang mga anak.

Samantala, lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga pulis na may record na ng shoplifting ang suspek at kalalaya lang din nito noong nakaraang linggo.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...