Maraming bayan sa Eastern at Northern Samar, binaha dahil sa bagyong Urduja

By Dona Dominguez-Cargullo December 15, 2017 - 06:35 AM

FB Photo | Jhon Lloid Catuday Orsolino

Patuloy na binabayo ng bagyong Urduja ang mga lalawigan sa Eastern Visayas.

Sa Quinapondan, Eastern Samar, lumubog sa tubig baha ang maraming barangay.

Ang mga residente sa Barangay Tinago, nag-post sa social media ng matinding pagbaha sa kanilang lugar.

Sa Facebook video ni Edward Sheen Cabanillas, kita ang pag-apaw ng tubig sa ilog sa Barangay Tinago at ang mga bahay ay pinasok na ng tubig baha.

Samantala sa bayan ng Catubig sa Northern Samar, marami na ring barangay ang lubog sa tubig baha.

Sa pagitan ng umaga hanggang mamayang tanghali, inaasahan ang pagtama sa lupa ng bagyong Urduja sa bahagi ng Northern Samar o Eastern Samar.

 

 

 

 

 

 

TAGS: eastern samar, flashfloods, northern samar, Samar, Urduja, eastern samar, flashfloods, northern samar, Samar, Urduja

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.