Tropical Storm Urduja lumakas pa; storm warning signals, nakataas sa 18 lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo December 15, 2017 - 06:06 AM

Bahagya pang lumakas ang tropical storm Urduja at nananatiling mabagal ang kilos nito.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 205 kilometers East ng Borongan City.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Mabagal pa rin ang kilos nito sa direksyon Northwest sa 5 kilometers bawat oras.

Nakataas na ang public storm warning signal number 2 sa apat na lugar sa Visayas kabilang ang:

  • Northen Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Biliran

Habang signal number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na lugar:

  • Catanduanes
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Sorsogon
  • Romblon
  • Masbate including Burias & Ticao Islands
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Northern Cebu including Bantayan Island
  • Northern Bohol
  • Capiz
  • Aklan
  • Northern Iloilo
  • Dinagat Islands

Ayon sa PAGASA, sa pagitan ng umaga at tanghali ay inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Northern Samar o Eastern Samar area.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Luzon, Mindanao, Tropical storm, Urduja, Visayas, Weather in Philippines, Luzon, Mindanao, Tropical storm, Urduja, Visayas, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.