Pangulong Duterte, ayaw sa anti-political dynasty law

By Rhommel Balasbas December 15, 2017 - 04:08 AM

 

“Pagpigil sa karapatang makapamili.”

Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ideya ng pagsasali sa bagong konstitusyon ng probisyon ukol sa ‘anti-political dynasty’ sakaling maging federalismo ang uri ng pamahalaan ng bansa.

Tutol ang presidente sa naturang hakbang sapagkat pipigilan nito ang kalayaan ng taong maihalal ang gusto nilang mamuno.

Sinabi ito ng pangulo sa Christmas benefit dinner ng kanyang partidong PDP-Laban.

Iginiit ni Duterte na anuman ang pinanggalingan ng isang naihalal na opisyal ay kung gusto siya ng mga mamamayan ay walang magagawa ang mga tao ukol dito.

Sagrado anya ang soberanya at ang karapatang makapamili ay nasa kamay ng bawat indibidwal.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Palace Spokesperson Harry Roque ang federalismo.

Anya, hindi layon ng uri ng gobyernong ito na tuldukan ang mga ‘political dynasty’ kundi mapag-ibayo pa ang paggamit ng mga lokal na gobyerno sa mga yaman ng bansa.

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.