Duterte sa ABS-CBN: ‘I-promote ang federalism at makikipag-areglo ako’

By Rhommel Balasbas December 15, 2017 - 03:12 AM

 

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na kalimutan na ang sinasabi niyang atraso sa kanya ng broadcast network na ABS-CBN.

Ito ay kung sakaling i-promote o ikampanya nito ang kanyang hangaring gawing ‘federalismo’ ang uri ng pamamahala sa bansa.

Sinabi ito ng pangulo sa kanyang talumpati sa Christmas Benefit Dinner ng PDP-Laban.

“Kung magtulong kayo diyan sa federal system campaign at gawain ninyong slogan also for the unity and to preserve this republic, makipag-areglo ako,” sabi ng presidente.

Matatandaang ilang beses na binatikos ni Duterte ang ABS-CBN dahil sa umano’y hindi pag-eere nito ng kanyang political advertisement noong kasagsagan ng election period.

Nagbanta rin noon ang pangulo na pipigilan ang franchise renewal ng istasyon na mag-eexpire na sa 2020.

Sa kanyang talumpati muling binanatan ni Duterte ang mga Lopez dahil sa umano’y utang nito sa bangkong pinangangasiwaan ng pamahalaan na Development Bank of the Philippines (DBP).

“But kayo, may mali man rin kayo, may utang rin kayo sa gobyerno, do your part and maybe we can talk about it,” ayon sa Pangulo.

Gayunpaman, nilinaw naman ng pangulo na hindi niya pinipigilan ang ABS-CBN na mamahayag ukol sa mga nagaganap na korapsyon sa gobyerno.

Wala pang inilalabas na pahayag ang ABS-CBN ukol sa isyu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.