Mga kritisismo ukol sa OFW ID, minaliit ni Sec. Bello

By Rhommel Balasbas December 15, 2017 - 03:27 AM

 

Minaliit ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga kritisismong natanggap ng bagong Overseas Filipino Workers (OFW) ID kung saan makikita ang mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kalihim, ‘favorable’ o pabor pa nga ang mga OFW sa proyekto at nagpapasalamat pa ang mga ito.

Iginiit ng kalihim na nakikisakay lamang ang mga may negatibong reaksyon at gusto lamang sirain ang naturang proyekto.

Dahil dito, mananatili ang disenyo ng OFW IDs dahil ayon kay Bello ay puro positibo naman ang tugon ng mga manggagawa sa labas ng bansa ukol dito.

Nauna nang sinabi ng kagawaran na bukas naman silang i-‘redesign’ ang naturang ID ngunit sa ngayon ay oobserbahan muna nila ang reaksyon ng mga OFW at ang proseso ng paggawa at pamamahagi ng mga ito.

Iginiit din ng kalihim na ang larawan ng pangulo na nakaharap sa larawan ng may-ari ng ID ay pagkilala ng pangulo sa pagiging bayani ng bawat OFW.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.