Mayor at vice mayor ng Asingan, Pangasinan pinasususpinde dahil sa mga larawan sa ambulansya

 

Pinasususpinde ng Office of the Ombudsman ang alkalde at bise-alkalde ng bayan ng Asingan, Pangasinan dahil sa paglalagay ng mga ito ng kanilang pangalan sa ambulansya na pag-aari ng lokal na pamahalaan.

Sa desisyon ng Ombudsman, ipinag-utos nito ang isang taong suspensyon laban kina Asingan Mayor Heidee Chua at Vice Mayor Carlos Lopez Jr., dahil sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.

Una rito, inireklamo ni Asingan councilor Evangeline Dorao noong November 4, 2016 ang dalawang opisyal dahil sa paglalagay ng kanilang mga pangalan at larawan sa mga ambulansya ng kanilang bayan.

Ito aniya ay paglabag sa umiiral na memorandum circular ng DILG na mariing ipinagbabawal ang paglalagay ng mga larawan ng mga pulitiko sa mga government programs, projects at properties.

Bagamat dalawang ulit na aniyang sinulatan ni Dorao ukol sa isyu, ang kanilang alkalde at bise-alkalde ay hindi umano tumugon ang mga ito.

Read more...