Bagyong Urduja, inaasahang tatama sa Eastern Samar

Inaasahang bukas ng umaga tatama sa kalupaan ng Eastern Samar ang Bagyong Urduja.

Sa weather bulletin ng PAGASA dakong alas-5:00 ng hapon, huling namataan ang tropical storm 85 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Bahagyang lumakas ang Bagyong Urduja na may dalang hanging aabot sa 65 kilometero kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na pitong kilometro kada oras.

Mararanasan ang kalat-kalat hanggang sa malalakas na pag-ulan sa mga rehiyon ng Visayas, Bicol at Caraga. Nagbabala rin ang PAGASA sa posibilidad ng flashfloods at landslides.

Dahil sa Bagyong Urduja, nasa ilalim ng Signal No. 2 ang:
-Eastern Samar
-Samar; at
-Biliran

Nakataas naman ang Signal No. 1 -Catanduanes
-Camarines Sur
-Albay
-Sorsogon
-Masbate
-Romblon
-Northern Samar
-Leyte
-Southern Leyte
-Northern Cebu including Bantayan Island
-Capiz
-Aklan; at
-Northern Iloilo

Read more...