Bagyong Urduja, isa nang tropical storm; Signal number 2, nakataas sa Eastern Samar, Samar at Biliran
Huling namataan ang Tropical Storm #UrdujaPH (KAI-TAK) sa 90 kilometers East southeast ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas na hanging aabot sa 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 7 kph.
Bunsod nito, nagtaas na ang weather bureau ng Tropical cyclone warning signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal #2:
-Eastern Samar
– Samar
– Biliran
Signal #1:
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Albay
-Sorsogon
– Masbate
– Romblon
– Northern Samar
– Leyte
– Southern Leyte
– Northern Cebu including Bantayan Island
– Capiz
– Aklan
– Northern Iloilo
Inaasahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas at bahagi ng Bicol, Caraga at Northern Mindanao sa susunod na 24 oras.
Inabisuhan naman ang mga residente sa nasabing lugar na maging alerto sa posibleng flashfloods at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.