Mga korte sa bansa, wala na ring pasok sa December 26 at January 2

Kasunod ng pagdedeklara ng Palasyo ng Malakanyang, nagsuspendi na rin Korte Suprema ng pasok sa December 26 at January 2.

Batay sa abiso ng SC, walang pasok ang lahat ng tanggapan ng korte sa bansa.

Ito ay para mabigyan ng pagkakataon na makapagdiwang ang mga empleyado ng hukuman kasama ang kanilang mga pamilya sa darating na Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sa inilabas na Proclamation Nos. 50 (s. 2016) at 269 (s. 2017), nilagdaan ang deklarasyon ng December 25, 2017 (Pasko) at January 1, 2017 (Bagong Taon) bilang regular holiday.

Samantala, nanuna nang nag-anunsiyo ang Malakanyang ng suspensyon ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa mga nasabing araw.

Read more...