LOOK: Mga tanggapan ng gobyerno, walang pasok sa December 26 at January 2

By Chona Yu December 14, 2017 - 01:56 PM

Sinuspendi ng Palasyo ng Malakanyang ang trabaho sa gobyerno sa December 26 at January 2.

Base sa Memorandum Circular no. 37 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sinuspendi ng pangulo ang pasok sa gobyerno para mabigyan ng pagkakataon ang mga government employees na makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon na kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Saklaw ng memorandum circular ang mga nasa government-owned na controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges, local government units at iba pang agencies instrumentalities.

Gayunman, nakasaad sa memorandum circular na ang mga ahensya na may kinalaman sa pagbibigay ng basic at health services, preparedness/response disasters and calamities at iba pang vital services ay kinakailangan na ipagpatuloy ang kanilang operasyon kung kinakailangan.

Ipinauubaya naman ng Palasyo ang pagpapasya ng pagsuspendi ng trabaho sa mga private sector, independent commission at bodies.

TAGS: December 26, government agencies, January 2, Malakanyang, medialdea, December 26, government agencies, January 2, Malakanyang, medialdea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.