WATCH: 45 na puganteng South Koreans ipinatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration
Sakay ng isang chartered flight, ipinadeport na ng Bureau of Immigration ang 45 South Koreans.
Sinabi ni Immigration Deputy Commissioner Toby Javier nakatanggap sila ng request mula sa South Korean government na hulihin ang 45 dahil nahaharap na ang mga ito sa iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.
Banggit pa Javier karamihan sa kaso ng mga puganteng South Koreans ay mga cyber crimes, partikular na ang voice phising, online estafa at economic fraud.
Dahil sa kanilang mga kaso, ang 45 ay sinundo ng mahigit 100 Korean police na tauhan ng Interpol at International Crime Unit.
Nabatid din na umarkila pa ang otoridad ng isang Jeju Air plane mula sa South Korea para sunduin ang mga pugante nilang kababayan.
Paliwanag naman ni Atty. Arvin Santos, chief ng Legal Division ng Immigration Bureau, dahil sa dami ng mga turistang Koreano na bumibisita sa Pilipinas kaya’t kailangan na marami ding South Korean police officer ang magtungo sa bansa.
Banggit pa nina Javier at Santos ihahatid nila sa South Korea ang mga hinuli nilang pugante para na rin makipag usap sa kanilang mga counterparts hinggil sa mga paraan na maiwasan na ang pagtatago ng mga wanted na Koreans dito sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.