PAGASA, nagtaas ng red rainfall warning sa Eastern Samar dahil sa walang tigil na pag-ulan
Nagtaas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa maraming bahagi ng Samar dahil sa walang tigil na pag-ulan na nararanasan dulot ng bagyong Urduja.
Sa abiso ng PAGASA, red rainfall warning ang itinaas sa southern portion ng Eastern Samar. Ang mga residente sa nasabing lugar ay binalaan hinggil sa ‘serious flooding’ na maaring idulot ng pag-ulan at pinayuhang maging handa sa paglikas.
Orange warning level naman ang nakataas sa northern portion ng Eastern Samar at ayon sa PAGASA, nagbabadya na ang pagbaha sa mga mabababang lugar.
Samantala sa Northern Samar naman, Samar, Leyte, Southern Leyte at Biliran, yellow warning level ang nakataas at posible na ang pagbaha at landslides.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar na may nakataas na heavy rainfall warning na mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.