Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 120 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Muling bumagal ang bagyo at ngayon ay kumikilos na lang sa bilis na 7 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Itinaas na ng PAGASA ang signal number 1 sa sumusunod na lugar:
- Catanduanes
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Masbate
- Romblon
- Eastern Samar
- Northern Samar
- Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- Northern Cebu
- Bantayan Island
- Capiz
- Aklan
- Northern Iloilo
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Eastern Samar.
MOST READ
LATEST STORIES