Urduja, magla-landfall sa Eastern Samar mamayang gabi o bukas
Bumilis ang kilos ng tropical depression Urduja habang ito ay papalapit ng Eastern Samar.
Huling namataan ang bagyo sa 140 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos na ngayon ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Ayon sa PAGASA, mamayang gabi o kaya bukas ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Eastern Samar.
Dahil sa paglapit ng bagyo sa kalupaan nadagdagan pa ang mga lugar na nakataas ang public storm warning signal number 1.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Catanduanes
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Masbate
- Romblon
- Eastern Samar
- Northern Samar
- Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- Northern Cebu
- Bantayan Island
- Capiz
- Aklan
- Northern Iloilo
Piyuhan ng PAGASA ang publiko na antabayanan ang mga susunod na abiso ng weather bureau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.