Biyahe ng MRT nagka-aberya, 1,000 pasahero ang naapektuhan

By Dona Dominguez-Cargullo, Justinne Punsalang December 14, 2017 - 09:24 AM

Nagpababa muli ng pasahero ang Metro Rail Transit (MRT) matapos makaranas ng aberya ang isa nitong tren, Huwebes ng umaga.

Sa abiso ng MRT, pinababa ang mga pasahero sa GMA-Kamuning station southbound alas 8:18 ng umaga dahil nagkaroon ng technical problem ang tren.

Aabot sa 1,000 pasahero ang naapektuhan ng nasabing aberya.

Electrical failure umano problemang naranasan ng tren.

Ngayong buwan ng Disyembre, limang araw pa lamang na hindi nakapagtatala ng aberya sa biyahe ng MRT.

Ito ay noong December 1, 4, 5, 11 at 13.

Noong December 12 nakapagtala ng pinakamaraming aberya sa maghapon na umabot sa tatlo at nagresulta pa sa pagpapatupad ng provisional service.

 

 

 

 

 

TAGS: MRT, technical problem, MRT, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.