Martial law, agad babawiin ni Pangulong Duterte kapag may naipakitang magandang ginawa ang NPA

By Chona Yu December 14, 2017 - 08:59 AM

Inquirer file photo

Hindi mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na agad na bawiin ang pinalawig na martial law sa Mindanao kung makapagpi-prisenta ang sinuman na may mabuting nagawa ang New People’s Army (NPA) kahit sa loob lamang ng 24-oras.

Ayon sa pangulo, sa nakalipas na limampung taong pakikibaka, walang ginawang iba ang teroristang NPA kundi ang mag-recruit ng mga Filipino na pumatay at magpakamatay.

Wala rin aniyang ginawa ang teroristang NPA kundi ang pagnakawan ang mga walang kalaban-labang sibilyan.

Sinabi ni Duterte na kapag may naibigay o naipakitang ang sinuman na may magandang nagawa ang NPA sa isang barangay sa loob ng 24-oras o kahit na kalahating oras lang ay agad niyang babawin ang martial law sa Mindanao.

“Magtanong lang ako ng isang bagay. In the last 50 years, tanungin ko kayong mga Pilipino, anong isang ginawa, maski isang — isa lang, katiting lang, ano ang ginawa ng mga teroristang NPA, mga komunista sa buhay ninyo? Sige daw. Ano — bigyan mo ako isang ano lang? Kay kung meron, i-lift ko ang martial law. Bigyan mo lang ako isang — one solid day or 24-hours or even half an hour na pumunta sila ng barangay at may ibinigay sila nang kabutihan,” ayon sa pangulo.

Matatandaang ang banta ng teroristang NPA ang isa sa naging basehan ng pangulo para humirit sa kongreso na palawigin pa ang martial law sa Mindanao region ng isang taon.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Martial Law, new people's army, Rodrigo Duterte, Martial Law, new people's army, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.