LTFRB, muling pinaalalahanan ang Wunder Carpool na itigil ang operasyon sa Pilipinas

By Justinne Punsalang December 14, 2017 - 08:30 AM

Muling naglabas ng abiso ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tungkol sa pagpapatigil ng operasyon ng Wunder Carpool.

Ayon sa LTFRB, January 27, 2017 pa nang una silang naglabas ng cease and desist order para sa Wunder Carpool dahil isa itong transportation network company (TNC) na nag-ooperate nang walang koordinasyon sa naturang ahensya.

Ibig sabihin ay ikinukonsiderang colorum ang mga tumatakbo sa ilalim ng Wunder Carpool.

Dahil ang Wunder Caprool ay isang foreign company, ayon sa LTFRB ay posible silang makipag-usap sa Bureau of Immigration (BI) para ilagay ang mga miyembro nito sa watchlist.

Ani Atty. Aileen Lizada, board member ng LTFRB, kailangan munang magpa-accredit ang Wunder Carpool bago makapag-operate ng ligal sa bansa.

Aniya, ginagamit ng Wunder Carpool ang social media para manghikayat ng iba pang mga driver na sumali sa kanilang operasyon.

Sinabihan pa ng LTFRB ang mga opisyal ng Wunder na ngayon ay nasa Bantayan Island at naka-check in sa isang hotel sa Waterfront Hotel sa Cebu na makipag-ugnayan sa ahensya.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Aileen Lizada, ltfrb, Wunder car pool, Aileen Lizada, ltfrb, Wunder car pool

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.