Dalawang sakay ng motorsiklo, sugatan matapos bumangga sa taxi sa Roxas Blvd.

Kuha ni Mark Makalalad

Sugatan ang dalawang motorcycle riders matapos mabangga ng taxi sa Roxas Boulevard kanto ng Padre Burgos pasado alas-3:00 ng madaling araw ng Miyerkules.

Ang mga biktima ay sina Rolando Mahait, 48 anyos at Roberto Lapador, 37 anyos.

Kwento ng driver ng motorsiklo na si Mahait, pauwi na sana sila sa Navotas ng kaniyang angkas na si Lapador nang biglang banggain sila ng taxi driver na kumanan naman papuntang Quiapo.

Aminado naman ang taxi driver na si Rainiel Dellera, sa kaniyang pagkakamali.

Ani Dellera, nagdalawang-isip kasi sya kung didiretso o kakanan sya dahil magulo ang instruction ng pasahero nya.

Sa huli, nagdesisyon aniya ang pasahero na kumanan at sinunod nya ito.

Tumalsik pa ang motorsiklo ng ilang metro at agad na isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, sinabi naman ni Dellera na handa niyang panagutan ang insidente at pagpapagamot sa mga biktima.

 

 

 

 

Read more...