Tropical Depression Urduja, bahagyang bumilis, signal number 1 itinaas sa sampung lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2017 - 06:14 AM

Bahagyang bumilis ang bagyong Urduja habang papalapit ng Eastern Samar-Northern Samar area.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 175 kilometers ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 8 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Dahil sa epekto ng nasabing bagyo itinaas na ng PAGASA ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate
  • Eastern Samar
  • Northern Samar
  • Samar
  • Biliran
  • Leyte
  • Southern Leyte

Ayon sa PAGASA, naghahatid ng kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan sa Visayas at sa mga rehiyon ng Bicol, Caraga at Northern Mindanao ang nasabing bagyo.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: signal number 1, Tropical Depression, Urduja, signal number 1, Tropical Depression, Urduja

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.