Hinihinalang bomber, patay sa engkwentro sa Sultan Kudarat

 

Napatay ng mga pulis at sundalo ang isang hinihinalang bomber sa boundary ng Maguindanao at Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat police chief Senior Supt. Raul Supiter, maghahagis sana ng granada ang suspek nang paputukan ito ng kanilang mga tauhan.

Nakilala ang suspek na si Abubakar Upam, na hindi nila agad nakuha ang bangkay dahil mayroong explosive device pang nakalagay sa kaniyang tricycle na maaring sumabog anumang oras.

Nangyari ang insidente kahapon ng umaga, matapos aksyunan ng pinagsanib pwersa ng mga militar at pulis, lalo’t may isang buwan na ring nakatatanggap ng mga banta ang Sultan Kudarat Police.

Read more...