Dry run ng HOV lane, posibleng pahabain ng MMDA

By Kabie Aenlle December 14, 2017 - 02:43 AM

 

Pinag-iisipan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palawigin pa hanggang sa susunod na linggo ang dry run ngpagpapatupad ng high occupancy vehicle (HOV) lane sa EDSA.

Ayon kay MMDA supervising officer Bong Nebrija, balak nila itong gawin upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga motorista tungkol dito.

Sa Biyernes na kasi nakatakda sanang matapos ang dry run ng HOV lane scheme sa EDSA.

Kasama na rin sa dahilan kung bakit nila ito nais i-extend ay dahil inaasahan na rin ng MMDA ang pagdami pa ng mga sasakyang dadaan sa EDSA ngayong nalalapit na ang Pasko.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan pa sila sa technical working group ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) kaugnay ng car tint regulation.

Isa kasi sa mga naging problema ng mga tauhan ng MMDA ay ang pagtukoy kung anong mga sasakyan ang nagka-carpooling dahil sa sobrang dilim ng tint ng mga bintana.

Sa ilalim ng HOV lane scheme, tanging ang mga sasakyang may dalawang pasahero o higit pa ang papayagang dumaan dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.