Barangay at SK elections sa Mindanao posibleng suspendihin uli dahil sa martial law extension

By Rhommel Balasbas December 14, 2017 - 03:50 AM

 

Posibleng ipagpalibang muli ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mindanao kasunod ng pagpapalawig muli ng batas militar sa rehiyon.

Ang kapalaran ng halalan ay nakasalalay sa pagsasagawa ng Commission on Elections (Comelec) ng public hearings ukol sa posibleng suspensyon.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, maaaring ipagpaliban ang pagsasagawa ng halalan sakaling nakapagsagawa ng serye ng mga pagdinig at nailabas ng mga may kinalamang grupo ang kanilang mga saloobin ukol sa isyu.

Ayon kay Comelec Commissioner Luie Guian, nararapat ang pagdinig tulad ng ginawa nila noong pagsuspinde rin sa halalan sa rehiyon dahil sa nagaganap na rebelyon at umiiral na ‘state of lawlessness’.

Iginiit ng opisyal na ikokonsidera ang martial law ngunit maiigi itong pag-iisipan bago sila magdesisyon ukol sa naturang isyu.

Samantala, sinabi naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang Comelec bilang isang ‘independent body’ ay may karapatang magdesisyon ukol sa posibilidad ng suspensyon.

Gayunpaman, sinabi ni Lorenzana na maaari namang magrekomenda ang ‘security cluster’ ng pagpapaliban sa eleksyon sa ilang bahagi lamang ng Mindanao at ito ay sa ilalim lamang ng ‘case-to-case’ basis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.