Calida sa mga kritiko ng martial law extension: “I wish you luck”

By Kabie Aenlle December 14, 2017 - 03:29 AM

 

Twitter/@SolGenCalida

“I wish you luck.”

Ito ang mensahe ni Solicitor General Jose Calida sa mga kritiko na nais kwestyunin ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao nang isa pang taon matapos itong maaprubahan ng Kongreso kahapon.

Sa kaniyang Twitter account, nagpahayag si Calida ng mainit na pagtanggap sa positibong tugon ng mga mambabatas sa hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na pahabain pa ang martial law upang tuluyang masupil ang terorismo at rebelyon.

Pero bukod sa malugod na pagtanggap sa desisyon ng Kongreso, nagbigay din ng mensahe si Calida sa mga kumokontra sa martial law, lalo na sa extension nito.

Ayon kay Calida, ang pag-apruba dito ng Kongreso ay isang “factual basis” na mayroong nagpapatuloy na rebelyon.

Kaya naman para aniya sa mga naglalayong hamunin ang martial law extension sa Korte Suprema, sinabi ni Calida na sana ay palarin ang mga ito dahil kakailanganin talaga nila ng swerte.

“To those who intend to challenge the extension of martial law before the Supreme Court, I wish you luck. You’ll need it,” sabi ni Calida sa kaniyang tweet.

Ilang mga mambabatas mula sa oposisyon kasi ang tumututol sa extension ng martial law dahil sa umano’y kakulangan ng factual at constitutional na basehan para gawin ito lalo pa’t idineklara na ni Duterte na malaya ang Marawi City mula sa mga terorista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.