Overpricing umano sa biniling Dengvaxia ng gobyerno, sisilipin ng DOH

By Jay Dones December 14, 2017 - 02:54 AM

 

Sisilipin ng Department of Health ang katotohanan sa likod ng balitang overpriced umano ang pagbili ng Kagawaran sa kotrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito’y matapos na lumutang sa isinasagawang congressional inquiry na binili ng tig-isanlibong piso ang bawat vial ng Dengvaxia sa halip na P600 piso lamang.

Ipinaliwanag ni Duque na maging siya ay labis na nagulat sa pagsisiwalat ng House committee on good government and public accountability na inirekomenda ng Sanofi-Pasteur na ibenta ang Dengvaxia sa halagang 21 dollars o katumbas ng isanlibong piso.

Sa naturang pagdinig, isiniwalat ni Dr. Hilton Lam, miyembro ng Formulary Executive Committee ng DOH na nakatanggap siya ng P300,000 mula sa Sanofi Pasteur upang magsagawa ng cost effectiveness research para sa Dengvaxia.

Ayon kay Lam, lumitaw sa kanilang pagsasaliksik, nasa 13 dollars ang ‘threshhold price’ ng Dengvaxia samantalang 21 dollars naman ang ‘societal price’ nito.

Gayunman, kinastigo naman ng mga mambabatas si Lam dahil hindi nito dapat tinanggap ni Lam ang research project mula sa Sanofi Pasteur dahil opisyal ito ng DOH.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.