NPA, nakakakolekta ng P460-M na revolutionary tax taun-taon

By Kabie Aenlle December 14, 2017 - 02:29 AM

 

Tinatayang umaabot sa P460 milyon ang taunang nasisingil ng mga komunistang rebelde bilang “revolutionary taxes” sa hindi bababa sa dalawang lalawigan sa Southern Mindanao.

Ayon kay Philippine Army 1001st Infantry Brigade Col. Erwin Bernard Neri, hindi bababa sa 60 percent ng nakukuha ng mga komunista ay mula sa mga minahan sa mga bayan ng Monkayo, Maco, Pantukan at Nabunturan sa Compostela Valley na pawang hitik sa ginto.

Maliban pa aniya sa mga small at large-scale mining operators, nangongolekta rin ang New People’s Army (NPA) maging sa mga sari-sari store na nagbabayad ng hindi bababa sa P2 kada araw.

Kinokolektahan rin nila ang mga malalaking taniman ng saging sa Compostela Valley at Davao del Norte, at pati na rin ang mga tumatakbong pulitiko tuwing may eleksyon.

Ayon naman kay Lt. Col. Esteven Ducusin na commander ng 46th Infantry Battalion, nahihirapan silang sundan ang pinagmumulan ng malaking pera na nakukuha ng NPA.

Ito aniya ay dahil na rin sa “intricate mode of payment” o komplikadong sistema ng paniningil ng mga ito.

Bagaman hindi pa nila partikular na matukoy kung anu-anong mga kumpanya o kung sinu-sino ang nagbabayad ng revolutionary taxes sa NPA, mababatid naman na ang mga tumatangging magbigay ay sinasalakay ng mga rebelde at sinisiraan ng mga kagamitan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.