Sa panayam ng mga mamamahayag matapos ang talumpati nito sa Taguig, sinabi ng pangulo na ipinasok niya ang mga miyembro ng makakaliwang grupo sa kanyang Gabinete upang maisaaayos ang linya ng komunikasyon sa mga komunista.
Sa pamamagitan aniya ng mga ito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na maidulog ang mga kinakailangang mensahe sa grupo.
Matatandaang inilagay ni Duterte ang ilang lider ng mga militanteng grupo sa kanyang Gabinete na sina Rafael Mariano, Judy Taguiwalo at Liza Maza matapos siyang maluklok sa puwesto.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte na dati ay kanyang iniidolo si Jose Maria Sison, ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines nang maging propesor niya ito sa kolehiyo.
Ngunit ngayon aniya ay hindi na dahil kanyang napagtanto na puro problema lamang ang idinudulot nito at ng kanyang kilusan sa mga Pilipino.