Panukalang dagdag sweldo sa military and uniformed personnel, aprubado na sa Senado
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang joint resolution na magbibigay ng dagdag na sahod ng mga military and uniformed personnel (MUP) sa gobyerno simula sa susunod na taon.
Kabuuang 20 senador ang nag-abruba sa Senate Joint Resolution No. 11, Miyerkules ng gabi.
Oras na maisabatas ito, tataas ng 100 porsyento ang Police Officer 1 at mga katumbas nitong ranggo.
Dahil naaprubahan na ng Senado, kailangang maaprubahan muna din ito sa Kamara bago maibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte upang malagdaan at tuluyang maisabatas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.