Tax Reform Bill, ratipikado na rin ng Kamara

By Jay Dones December 14, 2017 - 01:02 AM

 

Lusot na rin sa Kamara ang nilalaman ng bicameral committee report ng tax reform bill.

Ito’y matapos na maresolba ng Kamara at Senado ang ilang mga probisyon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN na proyekto ng Duterte administration.

Kasama sa nilalaman ng panukala ay ang pagtataas sa P90,000 ang 13th month pay ng isang manggagawa na maaring buwisan ng gobyerno.

Gayunman, maraming mga sinisingil na buwis ang tataas sa ilalim ng tax reform package.

Bukod sa dagdag na anim na pisong buwis sa kada litro ng mga sweetened beverages, itataas rin ang excise tax sa mga bagong sasakyan, sigarilyo at oil products.

Ngayong kapwa ratipikado na sa Senado at Kamara ang bicam report, maari na itong dalhin sa Malakanyang upang malagdaan ni pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahang mapipirmahan ng pangulo ang TRAIN sa December 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.