Mga dating pangulo, hindi ipakukulong ni Duterte

By Jay Dones December 14, 2017 - 12:04 AM

 

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang makukulong na dating presidente sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang talumpati sa isang benefit dinner para sa Marawi City, sinabi ng pangulo na hindi niya istilo ang maghain ng mga kaso laban sa isang dating presidente ng bansa.

Kahit noon pa man aniya noong siya ay alkalde pa ng Davao City, hindi niya sinampahan ng kaso si Davao City Rep. Prospero Nograles na makailang ulit siyang kinasuhan.

Noon pa man aniya, nabanggit na rin ng pangulo kay Kris Aquino, na kapatid ng dating pangulong Benigno Aquino III na hindi niya gawain na maghain ng mga kaso laban sa mga pulitiko.

Matatandaang ilang grupo ang nagsasabing dapat na may managot sa Dengvaxia vaccine controversy at kabilang dito si dating pangulong Aquino.

Nais rin ng ibang grupo na managot si Aquino sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force sa operasyon laban sa teroristang si Marwan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.