PNoy, haharap sa Dengvaxia hearing sa Senado bukas

By Rohanisa Abbas December 13, 2017 - 08:50 PM

Inquirer file photo

Dadalo si dating Pangulong Benigno Aquino III sa pagdinig ng Senado sa kontrobersyal na bakuna sa dengue na Dengvaxia.

Sa kanyang text message na ipinadala sa mga media, sinabi ni Aquino na umaasa siya na magiging mas malinaw ang talakayan sa usapin at magbibigay-daan ito sa naaayon na aksyon.

Maliban kay PNoy, dadalo rin sa pagdinig ang kanyang dating Executive Secretary na si Pacquito ‘Jojo’ Ochoa Jr.

Tiniyak naman ni Senador Richard Gordon, chairman ng Blue Ribbon committee, na rerespetuhin nila ang dating Pangulo at ang kanyang gabinete sa kanilang pagdalo sa pagdinig.

 

TAGS: Dengvaxia, Noynoy Aquino, Dengvaxia, Noynoy Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.