Pagdedeklara ng Martial Law sa buong bansa, posible — Duterte

Inquirer file photo

Hindi isinasantabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na magdeklara ng martial law sa buong bansa.

“All options are on the table”, sinabi ng Pangulo sa ambush interview sa Philippine Army Headquarters sa Taguig.

Paliwanag ni Duterte, ang pagdedeklara ng martial law sa buong bansa ay depende sa magiging aksyon ng mga kalaban ng pamahalaan.

Dagdag pa ng Pangulo, kung magpapatuloy ang pag-recruit ng New People’s Army ng mga miyembro at susubukang pabagsakin ang gubyerno, posibleng mag-deklara siya ng Martial Law sa buong bansa.

Samantala, hindi rin magdedeklara ng ceasefire ang militar para komunistang grupo ngayong Pasko.

Paliwanag ni Duterte, walang ginagawang kabutihan ang mga NPA kundi mag-recruit para pumatay nang pumatay ng mga sibilyan at mga tropa ng pamahalaan.

READ NEXT
Read more...