Ayon kay Romina Marasigan, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naka-preposition na ang iba’t ibang mga ahensya at mga regional police offices ng Office of Civil Defense para sa inaasahang pag-landfall ng bagyo ngayong weekend.
Na-alerto na rin ang mga operation centers ng NDRRMC na 24 oras na naka-monitor sa posibleng pinsala na idulot ng bagyong ‘Urduja’.
Paliwanag ni Marasigan, posibleng itaas pa nila ang kanilang alerto bago dumating ang Biyernes para tiyakin na handa ang ahensya sa magiging epekto ng bagyo.
Nagpaalala naman ang NDRRMC sa publiko na hangga’t maari ay iwasan muna ang pagbiyahe sa weekend sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.