NDRRMC, naka-Blue alert status bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong ‘Urduja’

By Cyrille Cupino December 13, 2017 - 05:56 PM

Isinailalim sa Blue Alert Status ang iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan para sa inaasahang pagdating ng bagyong ‘Urduja’.

Ayon kay Romina Marasigan, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naka-preposition na ang iba’t ibang mga ahensya at mga regional police offices ng Office of Civil Defense para sa inaasahang pag-landfall ng bagyo ngayong weekend.

Na-alerto na rin ang mga operation centers ng NDRRMC na 24 oras na naka-monitor sa posibleng pinsala na idulot ng bagyong ‘Urduja’.

Paliwanag ni Marasigan, posibleng itaas pa nila ang kanilang alerto bago dumating ang Biyernes para tiyakin na handa ang ahensya sa magiging epekto ng bagyo.

Nagpaalala naman ang NDRRMC sa publiko na hangga’t maari ay iwasan muna ang pagbiyahe sa weekend sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

TAGS: Blue Alert Status, NDRRMC, Urduja, Blue Alert Status, NDRRMC, Urduja

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.