Storm Signal #1, itinaas sa E. Samar dahil sa bagyong ‘Urduja’

By Cyrille Cupino December 13, 2017 - 05:36 PM

Photo Courtesy : PAGASA

Isinailalim na sa Storm Signal Number 1 ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, bahagyang nagbago ng direksyon ang bagyong ‘Urduja’ habang papalapit sa bahagi ng Sorsogon at Hilagang Samar.

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng magdulot ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang bagyong ‘Urduja’ sa mga lugar na dadaanan ng bagyo, kabilang ang Visayas at Bicol Region.

Huling namataan ang bagyo sa layong 395 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar, at taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 65 kilometers per hour.

Inaasahang kikilos ang bagyo sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 7 kilometers per hour.

Pinapayuhan namang ang publiko na iwasan munang pumalaot dahil sa malakas na hangin ang malalaking alon na epekto ng bagyong ‘Urduja’.

 

TAGS: Pagasa, Urduja, Pagasa, Urduja

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.