Mayor ng Mainit, Surigao del Norte, pinasusupinde ng Ombudsman
By: Rohanisa Abbas
- 7 years ago
Pinasususpinde ng Office of the Ombudsman nang isang buwan ang alkalde ng Mainit, Surigao del Norte na si Ramon Mondano.
Ito ay matapos hatulang guilty sa simple neglect of duty si Mondano dahil sa pagpayag nito sa mga sabungan nang walang naayon na permit.
Napag-alaman ng Ombudsman na naghain si Mondano ng special permit para sa sabungan sa Barangay Matin-ao mula June 20-22, 2016 sa kasagsagan ng pista nito.
Gayunman, walang barangay clearance na inilabas para rito.
Ayon sa Ombudsman, bilang alkalde, dapat ipinapresenta ni Mondano ang barangay clearance bago siya naghain ng special permiit.
Aniya, batay sa Local Government Code, kinakailangan muna ang clearance ng barangay kung saan isasagawa ang aktibidad bago maghain ng permit ang lungsod o munisipalidad.