Mayor ng Mainit, Surigao del Norte, pinasusupinde ng Ombudsman

By Rohanisa Abbas December 13, 2017 - 04:53 PM
Pinasususpinde ng Office of the Ombudsman nang isang buwan ang alkalde ng Mainit, Surigao del Norte na si Ramon Mondano. Ito ay matapos hatulang guilty sa simple neglect of duty si Mondano dahil sa pagpayag nito sa mga sabungan nang walang naayon na permit. Napag-alaman ng Ombudsman na naghain si Mondano ng special permit para sa sabungan sa Barangay Matin-ao mula June 20-22, 2016 sa kasagsagan ng pista nito. Gayunman, walang barangay clearance na inilabas para rito. Ayon sa Ombudsman, bilang alkalde, dapat ipinapresenta ni Mondano ang barangay clearance bago siya naghain ng special permiit. Aniya, batay sa Local Government Code, kinakailangan muna ang clearance ng barangay kung saan isasagawa ang aktibidad bago maghain ng permit ang lungsod o munisipalidad.

TAGS: ombudsman, Ramon Mondano, ombudsman, Ramon Mondano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.