Tiwala si Senator Gregorio Honasan na ang pag-apruba ng Kongreso sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao ay patunay na pinakinggan ng mga mambabatas ang hiling at rekumendasyon ng kasundaluhan at mga pulis, lalong-lalo na ng mga taga-Mindanao.
Paliwanag ni Honasan na bumoto pabor sa Martial Law Extension, hindi lamang dahil ito ay nais ng mga pulis at sundalo, lalo na umano dahil ito ang gusto ng nakararaming taga-Mindanao.
Giit pa ng Senador, hindi niya masisisi ang mga kasamahan niya sa Senado na kontra sa Martial Law extension dahil may kani-kanya silang opinyon na dapat i-respeto.
Kabilang sa mga kumontra sa extension sina Senator Franklin Drilon, Senator Francis Pangilinan, Sen. Bam Aquino, at Sen. Risa Hontiveros.
MOST READ
LATEST STORIES